15 Traffic-Causing Things That Filipinos Do

I’m no statistician, but I know for a fact that the Philippines is in the top bracket for most traffic congested country worldwide. I have been driving since I was 13  and things have always been this way.

Araw-araw, nagagalit tayo kasi traffic, pero hindi natin naiisip na minsan tayo yung nag-cau-cause ng traffic/congestion.

A lot of my points here are inspired by TopGearPH’s post about driving mistakes everyone’s probably making.

Here is the link to that: 10 driving mistakes you’re probably making


Here are a few things I’ve noticed what Filipinos are doing wrong:

E-Pasingit

Kapag nasa toll booths tayo, mahilig tayo mag-hanap ng lane na kaunti yung mga sasakyan. Minsan naman, may mga bwisit na sasakyan na sisingit sa lane mo kasi naipit siya dahil dumaan siya sa RFID/E-Pass lane (Happens a lot at Alabang toll booth).

Mga kuya/ate, kung nag-mamadali po tayo, bili po tayo ng RFID/E-Pass, or kung hindi kaya, edi maghintay sa linya. Ilang minuto lang naman po mawawala sa inyo diba?

Sakal.gif

Magic hazard Button

Ang hazard po ng mga sasakyan natin, hindi po yan magic button na pwede mo nang i-break yung mga road rules. Makaka-kita tayo ng mga motoristang nag-hahazard kasi gustong maka-bilis at gumagawa ng sarili nilang lane, kahit na kainin yung lane na para sa kabilang daan.

MAGIC.gif

Ginagamit po ang hazard natin kapag emergencies lamang.

Much bright light. Very wow.

Nasabi ko na po ang for emergencies, ito pa po ang isa: High beams. Pwede siguro natin gamitin to kapag sobrang madilim, tapos wala tayong kasalubong. Pero kapag meron, pwede naman patayin to. Kasi nakaka-disturb sa mga taong naiilawan mo, pwede pa silang ma-aksidente.

DOGE.gif

Not using the pedestrian lanes

Sa mga tao po na natawid sa kalsada, sana po tumawid tayo sa pedestrian lane. Ginawa po iyan para sa atin. Hindi po natin kina-angas yung pag-lalakad sa gitna ng kalsada ng walang pakialam. Baka ma-bangas pa po yung muhka natin pag nasagasaan po tayo. Ilang segundo lang naman po makukuha ng oras mo pag nag-hanap ka ng pedestrian lane eh.

Abbey Road.gif

Sa mga sasakyan naman, tulad sa BGC, sana priority yung mga taong nadaan sa pedestrian lane. Kaya tumatawid yung ibang tao sa kung saan-saan, eh kasi hindi rin naman sila papadaanin sa tamang daanan, bakit pa sila dadaan dun?

Biglang liko

Alam niyo po yung turn signal? Uso po yun. Hindi yung liliko ka na lang basta-basta. Paano malalaman ng mga sasakyang naka-paligid sa’yo kung saan ka pupunta?

At saka sana mag-signal tayo ng left/right, mga 50m away kung saan tayo liliko. Hindi yung biglang liko, eh para san pa at binuksan mo yang signal lights mo?

Saka isa-isang lane lang kapag liliko pls.

Changing lanes.gif

Change lanes pa, sige lang!

May mga motorista na kapag nasa traffic, parang taeng tae. Change lane ng change lane. Hindi po natin ika-bi-bilis yang pag-lipat ng lanes. Mas nakaka-cause pa tayo ng traffic at medyo delikado rin po.

Shit.gif

Maliit kaya pwede sumingit

Sa mga motor naman po na pasikot sikot sa daan, paano kung maka-sagi ka ng sasakyan o dumadaan na tao? Sorry na lang? Ilang minuto ba na-sa-save mo sa kaka-ganyan? Chill lang tayo.

Motorcycle fail.gif

Bullies of the road

Sa mga bus at truck na malalaki, opo malaki po kayo, pero wag naman sana kayong bully. Marami akong nakikitang mga truck/bus na tila sa kanila ang kalsada, maka-liko-liko akala mo maliit na sasakyan.

Saka kapag nakaka-bangga, bye-bye na. Or worse, pag naka-bangga, tutuluyan pa. Tsk.

BUS.gif

Zipper method

Kapag po may merging lane, i-try po natin yung zipper method. Ito siguro pinaka-importante kong natutunan sa TopGearPH. Ang zipper method, alternate kayong sasakyan sa pag-me-merge sa isang lane. Bigayan tayo, mga kapatid. Hindi porket nag-mamadali tayo, magiging douchebag na tayo.

You shall not pass!.gif

Pinoy mentality

Sundin din natin ang mga batas trapiko. May mentality ang mga Pinoy na kapag nag-break sila ng rules astig tayo. Hindi tama yun. Nandiyan yang mga rules para sa atin din.

giphy.gif

Speaking of road rules, sa mga taong naka-konekta ang pag-green ng ilaw sa kanilang busina, mahusay po kayo. Kaka-green pa lang po ng ilaw, pipitpit na kayo? Excited lang? Wag ganun.

CLAP.gif

Saka yung 3..2…1… po na yellow light, hindi po ibig sabihin nun ay “BILISAN MO!” ang ibig sabihin po nun ay “SLOW DOWN”. Yung mga iba nagiging drag racer sa bilis kapag nakita na dilaw na yung ilaw eh.

Burnout.gif

Ayaw Ma-isahan

May mga motorista din na kapag nakakita ng Ambulansya/Police na nag-wa-wang-wang, ay hindi papa-daanin. Nasa isip natin “Totoo kaya yan? Hindi naman. Joketime lang yan.”

98b.jpg

Eh paano po kung totoo? So hindi mo papa-daanin kasi baka ma-isahan ka? Wala namang mawawala sa atin diba? Padaanin po natin sila.

Doing anything but driving

Ito siguro pinaka-obvious sa lahat, wag mag-text, tumawag, or uminom kapag nag-dr-drive. Self-explanatory na naman siguro to.

No means no.gif

Pagiging Chismoso/Chismosa

Ito normal sa mga Pilipino… pagiging chismoso at chismosa. Kapag nakakakita ng nabangga “Uy! Ano kaya nangyari? Lapitan mo, dali.” Dahil sa pagiging usosyo niyo, nag-tra-traffic. First time makakita ng nag-banggaan?

Chismoso.gif

Hari ng Kalsada

Sa mga jeepney drivers naman po, ang pagkuha ng pasahero sa gilid ho. Saka dun niyo rin ho ibababa. Yung gitna ho ng kalsada, hindi ho babaan yan.

King of the world.gif

Beep Beep Beep Beep!!!

Alam niyo ba na ang pag-busina sa ibang bansa ay sign of disrespect? Dito satin parang New Year lagi sa kalsada. Masyado natin ina-abuso yung pag-busina. Bawat may sumingit…*BEEEP!* May magagawa ba yang pag-busina mo? Mapapa-away ka lang eh.

Beep.gif

 


Sa mga motorista ng Pilipinas na lagi nag-mamadali, may tanong ako sa inyo… Eh bakit kaya hindi kayo gumising ng maaga para hindi kayo nagmamadali? Hindi na uso “Filipino Time”, 2016 na uy!

At kung iniisip niyo na, kapag nanalo na yung bet niyo sa presidential race saka kayo magbabago, aba mga kuya at ate… Hindi ba natin kaya simulan ang pag-babago ng tayo lang? Para sa sarili din naman natin to.

Final words: It’s okay to lose a second of your life than to lose your life in a second.


Disclaimer: I know karamihan sa mga nasabi ko dito, lahat tayo nakaka-experience. Saka ako guilty ako sa iba diyan kapag nag-dri-drive. Kaya ko sinulat tong article na to para matauhan tayong lahat.

JUST DO IT!.gif

Advertisements

One thought on “15 Traffic-Causing Things That Filipinos Do

  1. Lux G. says:

    It’s honestly frustrating because it’s been going on for ages now and nothing changes. Nakakaculture shock minsan, nakasuot kagalang2 pero nagtutulakan kahit may pila.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s