30 Uri ng Manginginom

Hindi natin maiiwasan na pag may kasiyahan, toma ang hinahanap ng ating lalamunan. Nakaka-dagdag minsan to sa pagiging maloko at makulit ng mga tao. Dito nagsisimula yung mga kwentong pangmatagalan. Wala namang nagsimulang magandang kwento sa pag-kain mo ng salad ‘di ba?

Pero iba-iba ang epekto nito sa iba’t-ibang tao, may mga tahimik, at meron din namang parang kiti-kiti pag nakainom.

Sa isang barkada, alam nating may kanya-kanyang parte ang bawat isa kapag inuman. May taga-yaya, may utusan, at meron din namang sinasama para pag-tripan lang.

Dahil diyan, naisipan kong i-lista ang mga uri ng manginginom na makakasalamuha ninyo sa inyong buhay.

Ang tanong… Sino kayo dito?

  1. Kung Fu – Kung fumulutan parang walang hanggan. Kung ganito po kayo, paalala lamang: Hindi dinner ang pinuntahan niyo, inuman po.
  2. Sleeping Beauty – Kaunting tagay pa lang tulog na agad. Eto yung madalas pinag-tritripan ng mga tropa.
  3. The Hulk – Pag lasing na, mistula nagiging berde at biglang nagwawala. Eto yung mga nakakaasar kainuman. Hahamunin kahit sinong makita sa daan, kahit aso.
  4. Eh ako nga… – Sila naman yung mga hindi nagpapatalo sa kwentuhan, laging sila ang bida dapat, hindi pwedeng ikaw. Sarap dunggulin ng mga mokong na to eh.
  5. (NSFW) Palaka – Mga taong palakant*t kapag nakainom na, kahit la mesa titirahin nito. Pag may alak, may balak.
  6. Immortal – Tapos na inuman, hindi pa din bagsak tong mga to. Eto yung malalakas pag inuman at nagkwekwento kinabukasan kung anu-anong katangahan ang ginawa mo.
  7. U2 – Sila yung pinapabili mo sa tindahan ng yosi or juice, at kahit anong i-utos mo gagawin nila…Uto-uto for short.
  8. Peanut Bitter – Nag-aaya lang ng inuman pag nag-break sila ng ka-relasyon niya or may away sila, tapos pag bati na sila, wala na ulit siya sa inuman.
  9. The Invisible Man – Hindi mo napapansin sa mga inuman, makikita mo na lang na naka-tag sila picture niyo sa Facebook.
  10. Kantatero – Pag nakahawak na ng mic tong mga to, wala nang bitawan. Kahit maganda o hindi boses wala silang paki.
  11. Basorero – Pag hindi ka nakatingin, tatapon nila nakalagay sa baso nila para kunwari nainom na nila. Magician tong mga to eh!
  12. Dramachine – Pag nakainom na tong mga to, ikwekwento na nila buong buhay nilang ma-drama tila MMK ang datingan.
  13. Honesto – Eto naman yung mga taong pag nakainom, sasabihin lahat sa’yo kahit sobrang personal na tulad ng kung gaano kahaba burnek nila.
  14. Manager – Sila lagi nagyayaya sa inyo mag-inom, kahit anong hindi mo, mapapa-oo ka niya. Kadalasan rich kids tong mga to.
  15. Juice Ko Lord – Mga kainuman mong ginagawang tubig ang chaser. Ang ratio ng alak niya sa chaser ay 1:10.
  16. Caretaker – Sila yung mga nag-aalaga sa mga lasing kapag sabog na sabog na talaga. Minsan, kapag sinipag, sila pa ang nag-lilinis ng venue. Swerte kayo kung may kainuman kayong ganito.
  17. Conyo – Kapag nakainom na, akala mo born in the States tong mga kumag na to. Makapag-English lang okay na kahit baluktot. Ya dig, playa?
  18. My Husband’s Liver – Sila yung pinagbabawalan ng kapamilya o ka-relasyon, kaya medyo nagbabawas sa tagay. Kabilin-bilinan nga naman ng lola, wag na uminom ng serbesa.
  19. Ninja – Kapag bayaran na ng bill, mawawala na tong mga to ng biglaan. Kahit nasa bahay lang kayo, kapag nararamdaman niyang hihingi na ng ambag ang manager, iihi daw kunwari tapos uuwi na.
  20. The Denial – Silang yung maririnig mong “Hindi pa ko lashing! Promise! Mag-integrate pa ko ngayon eh!”
  21. Barbers – Kung yung isa laging siya bida, eto naman basta may ma-i-kwento lang okay na. Yung mga tipong yung tropa ng tropa ng tropa ng tropa ng tropa niya yung gumawa, feel mo nandun siya nung nangyari yun.
  22. Barney Stinson – Dahil sa kanila nagiging legendary yung inuman niyo dahil sa mga trip niya at sa galling niya mag-patawa. Yung mga kwento niya, ‘di tulad ng sa barber, legit lahat, kaya ang sarap pakinggan.
  23. Baller – Pag nakainuman mo sila, hindi sila nag-sstay sa table niyo dahil nasa beerpong table sila lagi. Sport sa kanila ang beerpong, at kahit hindi nila iniinom yung beer sa cups, laro lang sila ng laro.
  24. Instagrammer – Picture ng picture habang nag-iinom. Pipicturan lahat kahit basag na bote, presyo ng bill, o suka ng katabi niya.
  25.  Kamatis – Mga kainuman mong allergic sa alcohol pero inom pa din ng inom. Pagkatapos ng session niyo, sobrang pula netong tropa mo na to akala mo bagong tuli buong katawan niya.
  26. Papa Jack – Eto yung daingan mo ng problema, makikinig siya sa’yo hanggang may mabibigay na siya sayong advice na maganda. Eto partner ng mga Peanut Bitter.
  27. Tambucho – Hindi lahat ng nag-iinom, nagyoyosi. Pero may mga kainuman tayo na ginagawang oxygen ang usok ng sigarilyo. Every 5 minutes magyoyosi siya at wala kang kawala sa usok niya… kahit san ka pa pumwesto.
  28. Gameboy – Di ka ma-bo-bore pag sila kasama mo kasi ang dami nilang baong trivia, brain teasers, at drinking games.
  29. Magnet – Dalawang polarity to kasi yung iba, lumalapit para makadami ng tagay; yung iba naman lumalayo para maka-iwas sa tagay.
  30. Basooka – Sila yung bawat inom nag-ma-mark ng territory nila sa bar o sa bahay gamit ang pag-suka. Makikita mo yung kanin or spaghetti na buo buo pa sa kanilang nilabas. Mag-ingat kainuman itong mga to, ma-trabaho.

Ngayong nabasa mo na ang tatlumpung uri ng manginginom, alam mo na ba kung sino ka sa kanila?

TAGAY!

Advertisements

One thought on “30 Uri ng Manginginom

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s